Sabado, Pebrero 16, 2013

Ynares Center

                                                                YNARES CENTER

             Nang papauwi na kami naisipan naming pumunta sa lugar na ito at magpahinga.Habang kami ay nagpapahinga naisipan namin na pwede rin naman itong kuhaan ng litrato.Kaya kinuhaan namin ito na litrato upang maidagdag sa aming mga kinuhaan na iba pang litrato.Ngunit wala naman kaming makuhaan ng impormasyonkaya nag isip na lamang kami ng konting impormasyon lamang.
Impormasyon:
             Ang Ynares Center ay pagmamay ari ng gobyerno at ipinangalan sa pamilya ynares dahil ang ynares ay matagal ng naglilingkod sa bayan ng Antipolo.Ang Ynares Center ay isang "indoor sporting arena" na kung saan malimit maglaro ang mga PBA dito.At tuwing umaga ng linggo, pwede ka rin ditong mag ehersisyo tulad ng mga taong nakikita ninyo sa larawan.Pwede rin ditong mamasyal at maglaro.Dito rin nakatayo ang kapitolyo ng lalawigan ng Rizal na noo'y nasa pasig.
Saloobin o opinyon:
             Ang aming opinyon patungkol dito ay may preskong hangin na mararamdaman dito.May lugar din dito na para sa mga nag eehersisy tuwing umaga.
Mungkahing gagawin kung kayo ay nais pumunta dito:
             Pwede kayo ritong mamasyal,magpicture,mag ehersisyo,magpahinga at maglaro ng kung ano ano.Kaya punta na!

Resort sa Antipolo

                                                                   DEOGRACIAS

                Bago kami makapunta sa "Pinto Art Gallery",napadaan kami sa isang resort na ito.Aakalain mo na maliit lamang ang resort na ito kung sa labas ka titingin ngunit kapag pumasok ka na pala,may kalakihan din pala ito.Agad kaming kumuha ng litrato at konting impormasyon.
Impormasyon:
                Ang Deogracias Resort ay matatagpuan sa Grandheights Subdivision..Ang resort ay may tatlong "swimming pool".Sa itaas na bahagi ng resort ay may "overlooking spot" na makikita mo ang batangas at laguna.May maliit din na graden sa loob ng resort na ito.At mura lamang ang "entrance fee" at "cottage" dito.
Saloobin o opinyon:
                 Maraming magagandang resort na matatagpuan sa bayan ng Antipolo.Isa na ang larawan sa itaas.Kinuha namin ng litrato ang resort na ito dahil maganda ito,tahimik ang lugar, at presko ang hangin na mararamdaman mo rito.
Mungkahing gagawin kung kayo ay nais na pumunta rito:
                  Pwede kayong maligo dito dahil mura lamang ang "entrance fee".Pwede rin kayong mamasyal sa loob nito dahil may garden dito at magpapapicture.Kaya punta na!

Huwebes, Pebrero 14, 2013

"Victory Park & Shop"


                Habang kami ay naguusap usap ng aking mga kagrupo,naisipan naming kuhaan ang isang "commercial building" na malapit sa cathedral ng Antipolo.Agad kaming kumuha ng litrato at tinanong sa gwardya ang ilang impormasyon tungkol sa "commercial building" na ito.
Taong aming nakilala:
Rosemarie A. Cortez,isang gwardya sa "Victory Pak & Shop".
Impormasyon:
                Ayon sa gwrdyang aming napagtanungan,ang mall na ito ay nag "grand opening" noong Setyembre 14,2012.Ang lupang pinagtayuan raw ng mall ay idinonate ng pamilya sumulong sa gobyerno ng Antipolo.Marami ang matatagpuang mga tindahan ng mga damit,accesories at kung ano-ano pa.May mga restaurant at fast food chains na pwedeng kumain ang kahit sino dito.
Saloobin o opinyon:
                Ang "Victory Pasrk & Shop" ay isa sa mga kadalasang puntahan ng mga dumadayo dito dahil nga sa bago lamang ito at mrami ring mga tindahan na pwedeng puntahan ang mga pumupunta dito.
Mungkahing gagawin kung kayo ay pupunta dito:
                Pwede kayong magpicturan sa loob ng mall,kumain,magshooping at kung ano-ano pa.Pwede rin kayong mag grocery dito.Kaya punta na!

"Dimasalang Park"

                                                                  Dimasalang Park
              Habang kami ay naghahanap ng aming pupuntahan napadaan kami sa plaza at napagpasyahan namin ito ang kuhaaan.Dahil naisip naman namin na maaaring pumunta dito ang mga turista dahil pwede sila ditong mamahinga muna at mamasyal.Agad kaming kumuha ng litrato.At nagpahinga rin saglit.
Impormasyon:
              Ang plaza ay isa sa pwedeng pasyalan ng kahit sinong tao pa ma turista man o hindi.Ito ay para sa lahat.Ang Dimasalang Park ay isa sa pinapahingahan at pinapasyalan ng mga turistang pumupunta dito o kaya galing sa pagsisimba sa cathedral.
Saloobin o opinyon:
               Ang aming opinyon ukol dito ay may isang maayos at magandang plaza na maipagmamalaki ang Bayan ng Antipolo.Maganda rin ang lokasyon nito dahil tabi ito ng cathedral na kung saan pagkatapos nilang magsimba ay pupwede silang mamasyal muna sa plaza.
Mungkahing gagawin kung kayo ay pupunta dito:
                Maaari kayong magpahinga rito o di kaya magpicnic habang kumakain kayo ng produkto ng antipolo.Pwede rin kayong maglaro ng mga simpleng "ball games".At kumuha ng mga litrato.Kaya punta na!

             

Tindahan ng Sto.Nino sa Antipolo


                  
                  Nang kami ay nagpapahinga kami ay napadpad sa tabi ng simbahan at nakakita kami ng mga natitinda ng mga Sto.Nino.Habang nagpapahinga kami sinasabay na rin namin ang pagkuha ng mga litrato at impormasyon.
Impormasyon:
                  Ang kanilang tinitinda ay kanila lamang hinahango.Madalas raw may bumibili sa kanila kapag Mayo o di kaya kapag malapit na ang pista.
Saloobin o opnyon:
                   Ang aming opinyo ukol dito ay masasabi naming kahit ano pa ang mangyari napaka relihiyoso pa rin talaga ng mga taga Antipolo.Marami sa atin ang mga nananalig sa diyos at hindi nakakalimot sa kanya.
Mungkahing gagawin kung kayo ay pupunta dito:
                    Maaari kayong pumunta dito upang tignan o maaari rin kayong bumili ng inyong mga nino rito.Kaya punta na!

Mga Produkto ng Antipolo

                 
                 Ang aming grupo ay nagpasyang pumunta sa isa sa mga produkto ng mga taga-antipolo.Maraming mga kakanin ang makikita mo dito.Habang kami ay papunta sa aming pupuntahan,marami kaming napagusapan para sa ibat iba pang lugar na aming pupuntahan.At hanggang sa makarating na kami sa aming destinasyon.Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato at ng impormasyon kami ay nagpahinga muna saglit upang magdesisyon kung saan ang susunod naming pupuntahan.
Taong aming nakilala:
                   Ate grace,ang may-ari ng tindahan at tiyahin ng isa sa aming kagrupo.
Impormasyon:
                   Ang mga tinitinda ni ate grace ay kanyang hinahango sa kalye ng Sto.Nino.At ang mabenta sa mga tinitinda nya ay ang suman na kilalang kilala sa bayan ng Antipolo.Marami naman daw kayong mapagpipiliang iba't ibang klase ng suman dito.
Saloobin o opinyon:
                   Tunay nga na hindi lamang puro tanawin ang ipinagmamalaki ng mga taga Antipolo dahil pati sa produkto ay may ipagmamalaki rin tayo.Masasarap ang mga suman na gawa sa Antipolo.Na may produkto tayo na pwedeng ipagmalaki sa mga turista ng pupunta o dadayo sa ating lugar.
Mukahing gawain kung pupunta ang isang turista dito:
                    Pagkatapos nyong pumunta sa simbahan (dahil malapit lang ito sa simbahan) pwede kayong dumiretso sa mga "pasalubong center" upang doon ay bumili kayo ng sumang produkto ng antipolo.Kaya punta na!                    

"Hinulugang Taktak"

                                                                " Hinulugang Taktak"
                
                    Aming grupo ay nagpasyang pumunta sa isang pinakapopular na lugar sa "Hinulugang Taktak". Habang kami ay papunta roon marami kaming mga napagusapan ng aking mga kagrupo tungkol sa kung anong gagawin ano-ano ang aming itatanong na impormasyon doon.Hanggang sa kami ay nakarating na sa aming pupuntahan.At kami ay nagbayad ng "entrance fee" namin at kumuha na ng mga litrato at mga impormasyon.
Impormasyon:
                    Ang Hinulugang Taktak ay isa sa pinakapopular na lugar sa bayan ng Antipolo.Kilala ito dahil sa maganda at kaakit-akit na talon.Ngunit sa paglipas ng panahon unti-unti itong nasira dahil sa pagtatapon ng mga basura at kung ano-ano pa sa talon na ito.Kaya,ang mga turista na dati ay dumarayo roon ay paunti na ng paunti.Ngunit ang sabi ng pamahalaan ng bayan ng Antipolo,sila na raw ay may ginagawang paraan upang mapaganda na ulit ang kilala at sikat na "Hinulugang Taktak".
Saloobin o opinyon:
                    Ang aming opinyon ukol dito ay maganda ang ating mga "tourist spot" dito sa Antipolo ngunit tayo rin ang sumisira dito.Tulad na lamang ng hinulugang taktak,dati na ito ang pinagmamalaki ng bayan ng antipolo ngayon mukhang hindi na dahil sa kapabayaan ng mga taong nakatira sa ating bayan.Pero sa totoo lamang para sa amin hindi pa huli ang lahat, may magagawa pa tayo upang mapaganda pa ang ating mga magagandang tanawin dito tulad na lamang ng hinulugang takatak.
Mungkahing gawain kung pupunta ang mga turista dito:
                     Kayo ay magdala ng iyong mga pampalit dahil maaari kayong maligo sa swimming pool ng hinulugang taktak.Magdala rin kayo ng inyong mga camera para makakuha kayo ng mga litrato.At marami pa kayong maaaring gawin dto.Kaya punta na!