PINTO ART GALLERY
Karanasan:
Kami ay pumunta sa sa isang museo o gallery na tinatawag ng "Pinto Art Gallery". Habang kami ay papunta sa gallery na iyon,kami ay namali ng direksyong pupuntahan.Kung saan-saan pa kami nakapunta at medyo pagod na kami kaya bahagya muna kaming nagpahinga upang pang usapan kung saan ba ang tunay na direksyon ng aming pupuntahan.At habang kami ay nag uusap nakakita ang isa sa amin ng isang "sign board" na nagsasabi kung saan naroroon ang "Pinto Art Gallery". At sa wakas kami rin ay nakarating sa aming pupuntahan ngunit nang kami ay papasok na,hinarang kami ng gwardya doon. At ang abi sa amin ay may "entrance fee" raw kung kami ay papasok. Nalungkot naman kami dahil hindi kami nakapasok sa museong iyon.
Impormasyong aming natuklasan:
Ang Pinto Art Gallery ay itinatag noong 2001.Ngunit sa mga panahong iyon ito ay naging isang dambakan ng mga gawang sining.Ngunit sa kalaunan ito ay naging isang ganap na Art Gallery.Si Antonio Leano ang naging designer nito.
Saloobin o opinyon tungkol sa aming paksa,karanasan,at lugar:
Ang aming opinyon ukol sa aming paksa ay ang Pinto Art Gallery ay isang museo na mamamangha ka at nakaka"inspire" dahil mula sa pagiging dambakan ng mga gawang sining ay ito na ngayon ay isang matagumpay ng museo.Mula namn sa aming karanasan masasabi kong nakakapagod ang aming naging karanasan pero ito ay sulit naman kung tutuusin dahil napuntahan naman namin ito.Sa lugar, maayos at maganda naman ang lugar na kinaroroonan nito.May paligid na maganda, may hangi na presko pa.
Ang aming mungkahi kung kayo ay pupunta sa museong ito:
Kung kayo ay pupunta dito, kayo ay magdala ng inyong pang "entrance fee" na nagkakahalaga ng P50.00. Kayo rin magdala ng inyong camera dahil maraming magagandang kuhaan ng mga litrato.Kaya, punta na kayo sa "Pinto Art Gallery."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento