Huwebes, Pebrero 14, 2013
Mga Produkto ng Antipolo
Ang aming grupo ay nagpasyang pumunta sa isa sa mga produkto ng mga taga-antipolo.Maraming mga kakanin ang makikita mo dito.Habang kami ay papunta sa aming pupuntahan,marami kaming napagusapan para sa ibat iba pang lugar na aming pupuntahan.At hanggang sa makarating na kami sa aming destinasyon.Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato at ng impormasyon kami ay nagpahinga muna saglit upang magdesisyon kung saan ang susunod naming pupuntahan.
Taong aming nakilala:
Ate grace,ang may-ari ng tindahan at tiyahin ng isa sa aming kagrupo.
Impormasyon:
Ang mga tinitinda ni ate grace ay kanyang hinahango sa kalye ng Sto.Nino.At ang mabenta sa mga tinitinda nya ay ang suman na kilalang kilala sa bayan ng Antipolo.Marami naman daw kayong mapagpipiliang iba't ibang klase ng suman dito.
Saloobin o opinyon:
Tunay nga na hindi lamang puro tanawin ang ipinagmamalaki ng mga taga Antipolo dahil pati sa produkto ay may ipagmamalaki rin tayo.Masasarap ang mga suman na gawa sa Antipolo.Na may produkto tayo na pwedeng ipagmalaki sa mga turista ng pupunta o dadayo sa ating lugar.
Mukahing gawain kung pupunta ang isang turista dito:
Pagkatapos nyong pumunta sa simbahan (dahil malapit lang ito sa simbahan) pwede kayong dumiretso sa mga "pasalubong center" upang doon ay bumili kayo ng sumang produkto ng antipolo.Kaya punta na!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento