Ang simbahan ang aming naisipang magandang puntahan.Habang kami ay papunta rito kami ay galing sa aming eswlahan upang iwanan ang aming mga kagamitan na hindi naman namin kailangan.Sa aming paglalakbay,kami ay masayang nagkwekwentuhan at nag uusap tungkol sa aming gagawin at kung sino ang aming tatanungin sa simbahan.Hanggang sa kami ay makarating doon at kumuha na nga kami ng mga litrato at impormasyong aming kailangan.
Taong aming nakilala:
Si Mr.Roberto A. Francisco, ang security guard na aming nakilala.
Pinaniniwalaang
ang Birhen ng Antipolo ay nagmula sa Mexico. Noong ika-25 ng Marso
taong 1626, ang galeon ng El Almirante ang nagdala ng Birhen patungo sa
Pilipinas. Sa loob ng tatlong buwan ay sinuong ng galeon ang mapanganib
na byahe dulot ng bagyo at iba pang kalamidad tulad ng sunog hanggang sa
marating nga nito ang Pilipinas noong ika-18 ng Hulyo taong 1626. Sa
kadahilanang nalampasan ng galeon ang lahat ng kalamidad na pinagdaanan
nito ay pinaniniwalaan ni Gobernador Tabora na ito ay dahil sa
presensiya ng Birhen.
Ng
mamatay si Gobernador Tabora noong taong 1632, ang Birhen ay napunta sa
pangangalaga ng mga paring Jesuita. Ang Birhen ay ilalagak sana sa
itinatayo pa noong simbahan malapit sa baryo ng Sta. Cruz. Sa ilang
beses na tinangka upang ilipat ang imahen ay lagi na lamang itong
natatagpuan sa ilalim ng puno ng Tipolo kung kaya't dito na ito tinayuan
ng pedestal.
Noong
panahon ng mga Hapon, pansamantalang dinala ang imahen patungong
Angono. Limandaang katao ang nagdala nito na ligtas namang nakarating sa
dapat nilang paroroonan. Pansamatala rin itong inilagak sa Quiapo
hanggang ika-15 ng Oktubre taong 1945, ang panahon kung kailan
permanente na itong inilagak sa simbahan ng Antipolo. Taon-taon ay
ipinagdiriwang ng mga deboto ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng
paglahok sa pilgrimahe ng pagdadala sa birhen mula sa Quiapo,Maynila patungong Antipolo.Ang birhen ding ito ay 300 daan na at ito ay may kapangyarihang manggamot o magbigay ng katuparan sa iyong mga gustong bagay.
Saloobin o opinyon tungkol sa paksa,karanasan,at lugar:
Ang aming opinyon ayon sa paksa ay ang birhen ng antipolo ay maraming napagdaanan.At ito rin ay nabubuhay na ng matagal na panahon. Kung sa aming karanasan naman namin ay masaya dahil di naman kami masyadong napagod sa aming paglalakbay bagkos kami ay masayang nagkwekwentuhan pa.Sa lugar, maganda naman ang lugar na kinaroroonan ng simbahan dahil ito ay matatagpuan sa madaling hanapin ng mga turista na pupunta rito.
Mungkahing gawain kung pupunta ang isang turita rito:
Kung kayo ay pupunta rito, ang aming mungkahi ay magdasal kayo ng mataimtim sa birhen ng antipolo dahil ito ay may kapangyarihang manggamot at magbigay katuparan sa iyong mga kagustuhan.Kayo rin ay sumubok kumain ng mga kakanin na malapit doon.Kaya punta na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento